Atleta mula San Jose, nasungkit ang silver medal sa ASEAN University Game,

Batangas City – Nasungkit ng isang atleta mula San Jose, Batangas ang isang silver medal mula sa ginaganap na ASEAN University Game sa Surabaya, Indonesia.

Siya ay David Paul Matibag, 21 anyos, kasalukuyang nag-aaral sa San Beda University Manila at kakuha niya ang silver medal para sa 800m run at bronze medal para sa 4x100m relay.

Bigo man siya na maiuwi ang inaasam na gintong medalya, ngunit panalong panalo naman siya pagdating sa mga suportang natatanggap mula sa kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Malaking karangalan na rin aniya ang makalaban sa ibang bansa, lalo’ t lahat ng kaniyang mga nakalaban ay magagaling at mula sa kilalang mga paaralan.

Sa ipinakitang dedikasyon ni David, pinahanga niya ang marami at nagsisilbi siya ngayong inspirasyon para sa mga batang atleta sa Batangas.

Malayo na ang narating ni David sa larangan nang pagtakbo patungo sa kaniyang pangarap at ang lahat mga ito aniya ay para sa mga taong nagtitiwala sa kaniyang kakayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *