Ipinadama ng Pilipinas ang kanilang determinasyon sa opening day ng Asian Tennis Federation (ATF) Team Competition sa Kallang Center sa Singapore.
Nasungkit kasi ng Team Philippines ang unang panalo sa kanilang unang laban sa group stage na walang halong kakabakaba.
Pinabagsak ng boys’ team ang Cambodia sa score na 2-1, at ang girls’ team naman ay nangibabaw sa score na 3-0 laban sa Myanmar.
Makakalaban pa ng Philippines boys’ team ang Vietnam, at Malaysia naman para sa Philippines girls’ team sa mga susunod na laban. (Brigada News Intern – Jaztine Cruz)
