Lingnon Hill sikat na pasyalan sa Leagazpi City, Albay pansamantalang isinara ayon sa pamahalaang panlalawigan

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Danny Garcia ang tagapagsalita ni Gov Al Francis Bichara ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na pansamantala munang isasara ang isa sa mga dinarayo sa lungsod ng Legazpi ang Lingñon Hill.

 Ayon kay Garcia, aayusin muna ang nasabing tourist destination sa lungsod habang ito ay temporary closed. Aniya, hindi pa masabi kung kailan ito ay magbubukas dahil sa marami umanong aayusin rito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Inaasahan na maglalagay na rin umano dito ng mga amenities na hindi natuloy sa paglalagay ng City Local Government Unit ng Legazpi.

 Umiwas muna sa pagsagot o pahayag si Garcia tungkol sa pagpapabaya umano ng City government sa Lingñon Hill.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

 Sinabi ng opisyal pumaso na rin ang naging kasunduan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay at City Government sa pag-aayos at pagpapaganda ng Lingñon Hill ngayon buwan ng Oktobre 2021.

Kung babalikan ang Lingnon Hill ay natapos ang proyektong ito sa panahon ng dating Gobernador Fernando Gonzales na kung saan ang mangangalaga nito ay ang City Government ng legazpi.