Lingguhang raid sa mga vape retailers, ipinag-utos ng BIR

Ipinag-utos ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagsasagawa ng lingguhang surveillance at raid sa mga illegal na vape reseller sa buong bansa.

Ipinunto ni Lumagui, na walang magiging illicit vape smuggler kung walang illicit vape retailer at reseller.

Nitong October 16, umabot sa 408 na mga vape retailers ang na-raid ng BIR mula sa Bulacan, Manila City, Quezon City, San Juan City, Makati City, Las Pinas City , Pangasinan, Benguet, Isabela, Laguna, La Union, Pasay City, Albay, Iloilo, Cebu, at Bohol.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Meron rin sa Leyte, Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Butuan, Agusan del Sur, South Cotabato, Davao, Negros Occidental, Negros Oriental, at Ilocos Sur.

Read More:  Senate Impeachment Court orders VP Sara Duterte to appear Monday

Ang kawalan ng internal revenue stamp at kawalan ng rehistro sa BIR ang karaniwang paglabag ng mga illegal na nagbebenta ng vape.

Habang patuloy pa ang imbentaryo na isinasagawa ng BIR sa kabuuang bilang ng mga vape products na nakumpiska ng ahensya.