PCG, ikakasa na ang mas pinag-igting na operasyon kasabay ng nalalapit na Undas

Ipinag-utos na ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, Admiral Ronnie Gil L Gavan ang heightened alert sa lahat ng operating units ng ahensya bilang paghahanda sa paparating na Undas.

Ikakasa ito simula sa October 31 hanggang November 5.

Dahil dito, pagtitibayin ng ahensya safety, security, reliability, at comfort ng mga babiyaheng pasahero para sa All Soul’s Day.

Read More:  NMC condemns presence of Chinese research vessels in WPS

Binigyang-diin ng PCG na dapat maalalayan ang riding public sa tulong ng “DOTr Malasakit Help Desks” na nakatayo sa mga pantalan, harbor, at iba pang transport areas sa iba’t ibang panig ng bansa.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Magsasagawa rin ang inspeksyon ang Coast Guard K9 units at security teams para sa kaligtasan at seguridad bago, sa mismong araw, at matapos ang Undas.

Inaasahang ang mga rescuers at lifeguards ay makapagbabantay din sa beaches, island resorts, at iba pang vacation spost upang lalong matiyak ang kalagayan at kaligtasan ng publiko.