NAGA CITY- Handang-handa na ang mga paaralan sa Camarines Sur na napabilang sa panibagong batch ng magsasagawa ng limited face-to-face classes.
Isa sa mga iyon ang Sinuknipan Elementary School sa bayan ng Del Gallego. Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Principal Elena Tormes na handa ang kanilang mga bakunadong guro, estudyante, magulang at paaralan para sa pagsisimula ng nasabing sistema sa Lunes Dec. 6, 2021.
Makikita ang mga alcohol, upuang may mga barriers, distant markers at iba pang hihihingi upang payagan.
Limang araw sa isang linggo ang pasok ng mula Kinder hanggang Grade 3. Dumaan sa konsultasyon ang sistema. 50% ng total enrollment sa bawat klase ang pinapayagan, habanga ang 50% ay naka modular.
Bukod sa Sinuknipan Elementary School, kabilang pa ang mga paaralang pang elementary sa Salvacion at San Juan gayundin ang Bolo Sur at Mangapo Elemenrtary School sa Sipocot.
Walang COVID-cases ang isa sa mga pinagbatayan ng Department of Education at Department of Health.