Limited face to face classes sa Bicol suspendido dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa mga lalawigan -DEPED Bicol

LEGAZPI CITY – Pansamantalang suspendido muna ang ginagawang limited face to face classes sa buong Bicol Region dahil sa dumarami ang kaso ng coronavirus disease sa mga lalawigan.

Ito ang inihayag ni Regional Director Gilbert Sadsad ng Department of Education (DEPED)Bicol sa Brigada News FM Legazpi.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Sadsad, tigil muna ang face to face classes sa 20 paaralan matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa ang suspension sa lahat ng paaralan na nagpapatupad ng face to face classes.

Aniya, maghihintay na lamang ito ng resumption order mula sa DEPED Central Office.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Hindi rin nito alam kung kailan ibabalik ang pagbabalik eskwela ng mga bata kung kayat balik modular learning sa ngayon ang pag aaral ng mga ito.

Sinabi ng opisyal, maghihintay rin ang tanggapan para sa dagdag na paaralan na magsasagawa rin ng limited face to face classes sa susunod na school year.