Limang fireworks related injury naitala sa Camarines Sur at Naga City sa pagsalubong ng pasko; 9 taong gulang na bata isa sa nabiktima

NAGA CITY – Lima kaagad ang naitalang fireworks related injury ng Department of Health Bicol sa Camarines Sur at Naga City sa pagsalubong ng Pasko.

Kung saan sa panayam ng Brigada News FM Naga sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Pili, Camarines Sur, nagtamo ng sugat sa mukha ang 17 taong gulang na lalaki matapos masabugan ng boga o improvised paputok habang ang 35 taong gulang naman na ginang mula sa Bula, ang tinamaan sa kamay ng parehong pinagbabawal na paputok.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Sa Naga City naman, isang 9 taong gulang na bata ang nasugatan dahil sa sparklers, habang ang 40 taong gulang na lalaki at 36 taong gulang na ginang parehong tinamaan gamit ang fountain. Pare-pareho namang dinala ang mga biktima sa ospital, at kasalukuyang nagpapagamot.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Una nang ipina-alala ng PNP, Bureau of Fire Protection at DOH na mag-ingat sa mga paputok at huwag gagamit nang anumang ipinagbabawal na paputok katulad ng improvised paputok o boga.