Liga ng mga Barangay sa Camarines sur, pinahahanda ang mga lokal na konseho sa posibleng worst case scenario dahil sa pagpapatupad ng ECQ sa NCR

NAGA CITY—Pinahahanda ng Liga ng mga Barangay sa Camarines Sur ang mga Lokal na Konseho sa lalawigan kaugnay ng inaasahang pagdating ng mga uuwing kababayan simula ngayong araw dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa NCR.

Ayon kasi kay ABC President at Ex-Officio Member ng Sangguniang Panlalawigan na si Nelly Largo, dapat handa ang mga Barangay sa posibleng worst case scenario na maaaring mangyari sakali mang dumami ang bilang ng mga LSI.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Kailangan ayon kay Largo na mas maging doble aktibo ang mga Barangay Health Emergency Response Task Force sa pagmomonitor sa mga umuuwing kababayan.

Dapat din aniyang buksan ang lahat ng Barangay Isolation Facility na tutuluyan ng mga LSI sakali mang hindi na kaya pang i-accomodate sa pasilidad ng mga LGU.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aminado si Largo na nitong mga nakalipas na araw ay mayroon talagang nakakalusot mula sa NCR na kung hindi magiging aktibo sa pagmomonitor ay malamang malulusutan din ang Barangay ng mas mabagsik na variant ng COVID-19 partikular ang Delta Variant.