Liderato ng Kamara, umaasa ng mapayapang resolusyon sa Israel-Hamas conflict

Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang nangyaring pag-atake sa mga inosenteng sibilyan sa Israel sangkot ang Hamas fighters mula sa Gaza.

Sa isang statement, ikinalungkot ni Romualdez ang karahasang sinapit ng mga pamilya na lalong nagpapalalim sa hidwaan.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Kasabay nito ang apela ng House Speaker sa Hamas militant rulers na hangarin na ang mapayapang resolusyon dahil sa malalim na kasaysayan ng kaguluhan sa rehiyon.

Makakamit lamang aniya ang tunay na pagbabago sa pamamagitan ng dayalogo nang may pang-unawa, paggalang at pag-protekta sa karapatan ng mga sibilyan sang-ayon sa international law.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Tiniyak din ni Romualdez sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Israel na nagdodoble-kayod na ang Department of Foreign Affairs, Department of Migrant Workers at OWWA para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

Sabado ng madaling araw nang umatake ang Hamas gunmen sa mga komunidad sa Israel na ikinasawi ng daan-daang indibidwal.