Liderato ng Kamara, pag-aaralan ang panawagan na itaas na rin ang suweldo ng mga guro

Handang suportahan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga panawagan na itaas na rin ang suweldo ng mga guro kasunod ng pagsasabatas sa “Kabalikat sa Pagtuturo Act”.

Ayon kay Romualdez, sisiguraduhin nilang maipatutupad nang maayos ang batas na magkakaloob ng teaching supplies allowance para sa mga guro.

Pag-aaralan din aniya ng Mababang Kapulungan ang panukalang dagdag-sahod lalo’t batid nitong kailangang itaas ang kompensasyon at allowances ng teachers.

Siniguro naman ng Speaker na ang bawat ipinapasang panukala ay naka-programa na sa paparating pambansang budget.

Una rito, umapela si ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa gobyerno na matapos ang paglagda sa “Kabalikat sa Pagtuturo Act” ay dapat na gawin nang prayoridad ang umento sa sweldo ng mga guro.

Nais ni Castro na gawing 50,000 pesos ang entry-level pay ng public at private school teachers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *