Isang lalaki, arestado matapos patayin ang asawa ng kanyang kasintahan sa Tondo, Maynila

Arestado ang 36-anyos na lalaki matapos umanong patayin ang asawa ng kanyang kasintahan sa Barangay 159, Tondo, Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng mga operatiba ng Jose Abad Santos Police ang suspek na Top 1 Most Wanted sa Station Level.

Kwento ng suspek, nangyari umano ang krimen noong November 2018 sa Dagupan, Tondo, Maynila matapos siyang sugudin ng asawa ng kanyang kasintahan.

Nasa kustodiya ng Jose Abad Santos Police ang suspek na nahaharap sa kasong murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *