Liderato ng Kamara, nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ni PBBM ; Legislative agenda, tiniyak na susuportahan hanggang 2028

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Kamara ang legislative agenda ni Pangulong Bongbong Marcos hanggang sa matapos ang termino nito sa taong 2028.

Sa kanyang mensahe para sa kaarawan ni Pangulong Marcos ngayong araw, sinabi ni Romualdez na kaisa sila sa adhikain nito sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Hiling din ng Speaker ang mabuting kalusugan at tagumpay ng punong ehekutibo sa lahat ng plano na magpapaunlad sa bansa.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Ikinalugod naman ni Romualdez ang pag-usbong ng karera ni Marcos sa pulitika na personal umano nitong nasaksihan sa nakalipas na mga taon pati na ang commitment na pangunahan ang bansa tungo sa pagkakaisa.