Libu-libong residente ng Peru, nagmartsa para hilingin ang pagbaba sa pwesto ng kanilang Pangulo

Libu-libong residente ang nagmartsa sa kabisera ng Peru para sa mapayapang protesta laban sa bagong gobyerno at Pangulo nitong si Dina Boluarte.

Ito ay pagkatapos ng madugong sagupaan bunsod ng pagpapatalsik sa dating pinuno ng bansa na si Pedro Castillo.

Ang martsa ay inorganisa ng trade unions at leftist groups.

Nagsimula ang kaguluhan sa Peru noong unang bahagi ng Disyembre na minarkahang pinakamalaking pagsiklab ng karahasan sa bansa ng mahigit 20 taon at nag-iwan ng hindi bababa sa 42 patay.//CA