Gin Kings, hihigpitan ang depensa sa import na Myles Powell sa ‘do-or-die’ Game 7

Hihigpitan ng Gin Kings ang depensa sa Bay Area Dragongs import na si Myles Powell sa kanilang do-or-die Game 7 sa Linggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sinabi ni Gin Kings head coach Tim Cone, lalo nilang hihigpitan ang depensa kay Powell na kumubra ng 29 points, pitong rebounds at tatlong asssits sa kanilang laban noongb Miyerkules.

Matatandaang humakot ng 50 points si Powell matapos nilang pataubin ang TNT Tropang Giga, 140-108 noong November 23, 2022.

Pipilitin na rin ng Gin Kings na maipanalo ang laro upang maiuwi ang inaasam na kampeonato.//CA