China, aalisin na ang itinerary card system

Aalisin na ng China ang COVID-19 tracking service nito simula ngayong Martes.

Ayon sa isang pahayag mula sa Academy of Information and Communications Technology ng bansa, ang mobile itinerary card inquiry channel tulad ng mga text message, web page at Wechat extensions ay sabay-sabay na mag-o-offline.

Ginamit ng China ang itinerary card system upang i-track ang travel histories ng mga residente nito sa loob ng 14 na araw.

Kabilang rin sa nakapaloob sa system ang isang QR code para malaman ang health status at matukoy ang galaw ng mga tao sa public spaces sa buong China.

Ang pagtanggal ng itinerary system ay kasunod ng pag-unveil ng China ng sampung bagong guidelines na nagpaluwag sa ilang paghihigpit sa COVID-19 protocols sa bansa.//CA