Inaasahang magsisimula ang libreng sakay sa mga bus carousel sa Edsa bukas, ika-24 ng Marso.
Ayon kay Mega Manila Consortium Public Relations Officer Rene Mapili 550 ang mga bus units ang kasama sa naturang serbisyo.

Magkakaroon din ito ng mga kundoktor upang mapanatili ang kaayusan sa pagsakay ng mga pasahero.
Hindi na rin kinakailangang mag-antay na mapuno ang mga bus at agad na aalis kahit kulang ang sakay nito.
Samantala, tatagal ang libreng serbisyo hanggang 12 ng madaling araw. (ARGIE ERGINA)