Liberal Party – kinontra ang pahayag ni dating spokesperson Roque na si VP Sara ang magiging bagong leader ng opposition

Tinuligsa ng Liberal Party (LP) ang naging pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na si Vice President Sara Duterte na ang totoong oposisyon.

Matapos kasi ang resignation ni VP Duterte sa Gabinete ng administrasyon – sinabi ni Roque na siya na ang ngayo’y opposition leader.

Read More:  Trump to visit Philippines for ASEAN summit in November

Sa isang pahayag, sinabi ng LP na malabong i-lead ng Bise Presidente ang oposisyon lalo na’t marami pang mga katanungang dapat masagot pagdating sa iba’t ibang mga isyu.

Wala rin umano silang nakikitang acceptance at accountability sa resignation ni Duterte.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Muli namang idiniin ng partido na tila’y ‘for show’ lang nitong halalan ang UniTeam.

Maaalalang maliban sa pagbibitiw ni VP Sara bilang Education secretary – kumalas na rin ito bilang vice chairperson ng NTF-ELCAC.