Nag-abiso ang Department of Trade and Industry o DTI na maghihigpit na sila sa mga nagtitinda ng vape products simula sa buwan ng Setyembre.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DTI ASec. For Consumer Protection Group Amanda Nograles, simula September 2024, manghuhuli na sila ng mga nagtitinda ng vape products na hindi dumaan sa DTI for registration.
Hindi na raw kasi papayagang makapasok sa bansa ang mga vape products na walang ICC at PS mark.
Kaya hinimok ni Nograles ang mga manufacturer at importer na simulan na ang pagpapa rehistro.
Kailangan din anyang bago ang buwan ng September, wala nang magbebenta ng mga luma nilang produkto na walang ICC at PS mark.