3 Barkong pandigma ng China, na-momitor ng Philippine Navy sa Bajo de Masinloc

Sa loob lang ng isang linggo – nakapagpwesto ng tatlong barkong pandigma ang China sa Bajo de Masinloc.

Sa datos ng Philippine Navy, ito’y mula sa zero, ‘o walang bilang ng mga People’s Liberation Army Navy sa Bajo de Masinloc noong June 4 hanggang June 10, 2024

Naging tatlo ang bilang ng mga barko ng PLAN mula June 11 hanggang June 17, 2024.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Pasok ito sa petsa kung kailan nagpatupad ng anti-trespassing rule ang China noong June 15 kung saan kanilang ibinabala ang pag-aresto sa sinumang non-Chinese fishermen na papasok sa ating teritoryo.

Ang Bajo de Masinloc na tinatawag din na Scarborough Shoal, ay isang traditional fishing ground para sa mga Pilipino.

Ito ay nasa 124 nautical miles ng Masinloc, Zambales, na pasok sa 200-nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas base sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Samantala, sa pangkalatahan kung pagbabasehan ang datos ng Navy ay bumaba ang mga barko ng China sa West Philippine Sea.

Mula kasi sa 146 na bilang noong nakaraang linggo, ay bumaba ito ngayon sa 121.