Pinaigting pa ng mga local governments sa Visayas ang paghahanda para sa Bagyong Odette.
Sa Cebu City, pinalikas na mga lokal na pamahalaan ang mga residente na nakatira malapit sa ilog dahil sa banta ng pagbaha, maging ang mga nakatira malapit sa landslide-prone areas.
Kaugnay nito, may binabantayan ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office na 100 areas na prone sa pagbaha sa 38 barangays at 50 sites sa 11 pang ibang barangay sa mga bundok na posible sa landslides.
Sa Bohol naman, wala nang pasok ang lahat ng public at private offices sa Huwebes at Biyernes, dahil sa inaasahang paglandfall ni Odette.

Samantala, sa Guiuan, Eastern Samar, nagpatupad na ang mga opisyal ng forced evacuation sa mga pamilyang nakatira malapit sa coastal areas, gayundin sa Salcedo, Eastern Samar.// MHEL PACIA-TRINIDAD