Ipapatupad ang mas mahigpit na contact tracing at isolation sa lahat ng local government units sa Metro Manila sa gitna ng banta ng mas nakakahawang Delta variant sa bansa.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang sinusubukan ngayon ng mga local executives ay maiwasan na mapuno ang hospital system sa kalagitnaan ng health crisis.
Dahil sa mas nakakawang Delta variant, nakikipag-coordinate ang mga LGUs sa iba’t-ibang sangay ng gobyerno para matiyak na ang safety protocols ay mahigpit na maipapatupad.
Sa katunayan, may ilang alkalde na ikinokonsidera na i-adjust ang panuntunan sa kanilang lungsod sakaling may posibleng surge sa mga kaso.
Samantala, plano ng mga eksperto na irevoke ang guideline na nagpapahintulot sa mga minors na makalas ng bahay. // MHEL PACIA-TRINIDAD
