Mahabang pila ng mga estudyante, sumalubong sa unang araw ng klase sa Koronadal

KORONADAL CITY — MAHABANG pila papasok sa mga paaralan ang sumalubong sa mga estudyante sa unang araw ng klase dito sa lungsod ng Koronadal.

Maraming estudyante ang naantala sa kanilang pagpasok dahil sa mahabang pila sa mga entrance gates dahil sa pagkuha ng body temperature sa mga mag-aaral na pumasok bilang bahagi ng pinatutupad na minimum health protocols laban sa Covid-19.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Macky Palabrica, school guard ng Koronadal City Elementary School o KCES-1, inihayag nito na magpapatupad ang paaralan ng panibagong sistema upang maiwasan ang mahabang pila.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bukas din umano sila sa mungkahi na sa loob na lamang ng mga classrooms kunan ng body temperature ang mga estudyante upang masiguro na walang mga bata na maiinitan at matatagalan sa pila.
Pinapayuhan din ang mga estudyante na magdala ng sariling alcohol.