NAGA CITY- Patay ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Tinambac, Camarines Sur.
Una rito ang galing sa birthday party na si Roderick Calubag y Sueno residente ng Brgy. Sagrada. 7:30 Nobyembre 10 ng gabi nang mangyari ang insidente kung saan naglalakad ang biktima papauwi sa kanilang bahay galing sa birthday party nang bigla na lamang binaril ng hindi pa nakikilalang salarin. Nagtamo ng mga sugat sa likod ng biktima, dinala sa ospital pero dead on arrival.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Dino Regaspi, hepe ng Tinambac PNP, sa kanilang imbestigasyon noong nabubuhay pa walang nabanggit na banta sa buhay. Wala ring bad record sa Barangay, walang nakaaway sa birthday party.
Blangko pa ang PNP sa motibo sa krimen pero patuloy ang malalim na imbestigasyon.
Patay rin ang 67-anyos na si Francisco Bolalin y Bañaga ng Barangay Magsaysay. Sa ulat ng pulisya nangyari ito bandang alas 2:00 ng hapon , Nov. 11, 2022 sa Barangay San Ramon.
Ayon kay PMaj. Regaspi , sa salaysay ng anak na si Jeofran habang sakay sila ng motorsiklo ng kaniyang ama na si Francisco papunta sa sentro ng bayan na papauwi sana sa Naga bigla na lamang silang pinagbabaril ng dalawang nakahelmet na mga sakay din ng motorsiklo.
Tinamaan ang ama sa binti at likod hanggang sa nahulog sa kalsada. Huling mga salita ng kaniyang ama ay tumakas na siya at iligtas ang sarili. Patuloy siyang hinabol ng mga suspek kaya pinabilis pa ang takbo ng motorsiklo, nagtamo rin ng tama sa likod si Jeofran at dali-daling tumakas ang mga suspek.
Dinala si Jeofran sa ospital habang binawian ng buhay ang kaniyang ama.
Ayon kay Jeofran, ang suspek niya rito ay ang mga tiyohin na sina Leo at Elbiligildo Bolalin y Bañaga, mga residente ng Brgy. Magsaysay, Tinambac na patuloy na inaalam ng pulisya. Nabatid na ang mag-ama ay nag attend ng usapan sa Barangay.
Pinunatahan ng PNP ang tinuturo ni Jeofran na mga suspek upang kunin ang pahayag at pero wala sila sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay PMaj. Regaspi away sa lupa, bahay at pera ang dahilan ng krimen.
Bukas ang BNFM sa pahayag ng mga suspek.