NAGA CITY- Nagpalabas ng Memoramdum Circular si Naga City Mayor Nelson Legaion ukol sa pagsunod sa alituntunin sa pag-upo ng mga bagong halal na mga opisyal Sanguniang Kabataan at Barangay.
Ito ay alinsunod sa Sec. 32 ng Local Government Code of 1991 upang malinawan sa mga direktiba at guidelines sa transition period pari pagsunod sa election related mandates.
Nakaangla rin ito sa DILG Memorandum Cicular No. 2023-166 “Guidance on the Assumption of Office of the Barangay and SK Officials elected on October 30, 2023 synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) and other relevant directives.”.
Responsibilidad ng mga halal na opisyal ang pag sumite ng Statement of all Contributions and Expenditures o SOCE; pagdalo sa Sanguniang Kabataan Mandatory Training ng DILG at Naga City Youth Development Office pati sa pagproseso naman sa honoria at bonuses sa mga Punong Barangay at appointed treasurer; pagdalo sa orientation sa tungkulin ng SK; pag turn over ng inventory ng Barangay at SK properties at iba pang may kinalaban sa oath taking at training.
Para kay Igualdad Barangay Captain Elect Angelo Bendiola , bilang baguhang opisyal kailangan niya itong himay-himayin upang makaupo kahit pa hindi na baguhan sa politika. Si Bendiola ay dating SK Chairman ng Igualdad at siyang pinaka batang kapitan ngayon sa Naga City sa edad na 28.