Refrigerated van na donated ng DA sa Naga City abattoir hindi nagagamit

NAGA CITY – Nakakapanghinayang lamang ang refrigerated van na galing sa Department of Agriculture dahil sa hindi naman ito nagagamit ng Naga City Abattoir, ang dahilan hindi kayang umakyat sa rampa ng Naga City Peoples Mall, patungo sa meat section.

Posibleng madisgrasya ang van kung ipipilit itong iakyat sa second floor.

Ito ang nakikitang dahilan nina City Councilor Jose Perez, Chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises kung kaya may nakikita silang mga improvised tricycle na may lamang kinatay na karne galing sa slaughter house.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon sa konsehal, marumi aniyang tingnan dahil sa humahalo diumano ang karne sa dumi ng hayop, inilarawan niya itong very unsanitary.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Perez,s inabi niyang bawal ang ganyang ginagawa ng mga nagpapakatay ng hayop at dapat ang karneng nakatay ay naisasakay sa refrigerated van at diretso itong ibababa sa meat section na para matiyak na malinis ito.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Malaking problema ito na dapat masolusyon din ng slaughter house, sabi pa ni Perez. 

May kamahalan ang presyo ng refrigerated van at hindi anya basta-basta mabibili ng city government,lalo pa at limitado ang budget para sa taong 2024.