LGU Naga, hiningi na ang tulong ng NMIS Bicol kontra paggamit ng mga hindi otorisadong meat transport vehicle

NAGA CITY – Humingi na ng tulong ang Lokal na Pamahalaan ng Naga sa National Meat Inspection Service Bicol, dahil sa naobserbahang patuloy na paggamit ng mga hindi otorisado at accredited na mga meat transport vehicle na nagiging paglabag sa hygiene at sanitation ng mga karneng ikinakarga sa parehong sasakyan kung saan doon din ikinakarga ang mga buhay na baboy.

Ayon kay Dr. Ernesto Tabing, Supervising Meat Control ng NMIS Bicol, sa pagharap nito sa session regular kahapon, sinabing may mga paglabag hindi lamang sa lungsod maging sa ibang bayan na sa Naga City District Abattoir nagpapakatay ng mga buhay na baboy. Sinabi naman ni City Councilor Joe Perez, aminado ang Pamahalaan dahil sa mga pagkukulang lalo na’t hanggang ngayon hindi pa nagagamit ang dalawang refrigerated meat van na 2021 pa ibinigay, at hindi rin ordinaryong paglabag kundi problema na dapat masolusyonan lalo na’t kapakanan ng bawat nagtitinda at bumibili ng karne ang nakasalalay na maging ang animal welfare act dapat ding maprotektahan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan
Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Naging rekomendasyon ni Tabing na gumawa ng modified meat vehicle kahit hindi refrigerated basta’t malinis at pasado sa hygiene and sanitation, maaaring tricycle o truck o ihiwalay ang mga mapaglalagyan ng mga kinatay na baboy lalo na’t handa silang magbigay ng mga rekomendasyon at solusyon na mapagbabasehan ng LGU na makagawa ng panibagong ordinansa hinggil sa usapin na naging kahilingan na rin ng iba pang Konsehal.