LGU Mercedes pinarangalan ng BFAR makaraang masungkit ang ikatlong pwesto sa Regional Level ng Malinis at Masaganang Karagatan

CAMARINES NORTE- Pinarangalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte matapos masungkit ang ikatlong pwesto sa Regional Level ng Malinis at Masaganang Karagatan (MMK) program nitong 2021.

Ginawa ang awarding ceremony sa Munisipyo ng Mercedes nitong Biyernes na dinaluhan ng mga opisyal ng BFAR mula sa Regional Office sa pagunguna ni G. Ariel Pioquinto, ang kinatawan ng Regional Director at ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam.

Tinanggap ni Outgoing Mayor Dante Morales ang plake ng pagkilala at ang halagang P500,000.00

Ang MMK ay isa sa banner programs ng BFAR na naglalayong  bigyang pagkilala ang outstanding initiatives at contributions ng coastal municipalities and cities sa sustainable fisheries management.

Kabilang sa mga  criteria para manalo sa MMK  ay dapat walang illegal fishing activities sa lugar, pagsunod sa  closed fishing season, pag -establish ng marine protected areas, malinis na coastal waters at walang domestic at industrial wastes at pagkakaroon ng epektibong mangrove protection and rehabilitation programs.

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Unang nanalo sa Regional Level  ang Mercedes noong 2017 kung saan nakuha nito ang First Place.

Bagamat nagkasya lamang sa ikatlong pwesto ang LGU Mercedes nitong 2021, nagpasalamat naman si Mayor Morales sa tinanggap na award.

Sa naging panayam naman ng Brigada News FM Daet kay Noni Enolva ang tagapagsalita ng BFAR Regional Office ipinaliwanag nito kung bakit third placer lang ang Mercedes.

Mababa raw kasi ang score na nakuha nito dahil sa isyu ng illegal, unreported at unregulated fishing.

“Sinabi nating mababa ang scores in terms of the five components ng Malinis at Masaganang Karagatan dun po sa sinasabi natin na pag- curb ng illegal, unreported, and unregulated fishing considering that ang Mercedes ay ang tinatawag natin na fishing bowl ng ano ng Bicol Region so kung saan, since maraming vessels ang nandito na dumadaong sa Mercedes nandito  din yung livelihood na marami ding ano, violations ng ating amended fisheries law, so isa lang po yun,” ani Enolva.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

“Another one is that yung kanilang Coastal Resource Management Plan ay hindi pa gaanong naisaayos considering that hindi nila ito na update, so hopefully ito yung mga dapat i- work out na mga activities or components na maisaayos.”

Hindi rin aniya na- update ng LGU ang kanilang Coastal Resource Management plan at marami pa rin daw nakikitang basura sa baybaying dagat.

Sa limang components ng MMK nakuha naman daw ng LGU- Mercedes ang halos perfect score pagdating sa Marine Protected Areas.

“Mataas po ang score natin halos perfect po ang score natin sa ano, declared na ano Marine Protected Areas, considering na ang mga island Barangays po natin dito ay may kaniya- kaniyang Marine Protected Areas na functional, in fact commendable po yung LGU Mercedes in terms of protection ng kanilang marine  areas.