LEGAZPI CITY – Aminado ang Task Force Kaayusan at Kalinisan ng Local Government Unit ng Legazpi na napapabayaan din ng mga ito ang kanilang gawain sa pagpapanatiling maayos na pagpaparada ng mga sasakyan sa kalsada.
Ayon kay Mark Andy Marbella, ang head ng nasabing opisina, muling maghihigpit ang lokal na pamahalaan sa implementation sa pagbabawal na pagpaparada ng mga sasakyan sa National Highway.
Aniya, lagi na lang umano nabibigyan ng sulat ng Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol ang alkalde tungkol sa mga reklamo ng mga netizens sa di maayos na implementation Dagdag pa nito, kahit papaalis na ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay kailangan pa rin sabihan o bigyang babala ang mga ito upang di na umabot pa sa penalidad.
Nagbigay rin ng free parking space ang City Government ng legazpi upang hindi na mahirapan o mapalayo pa ang mga may ari ng sasakyan sa paparadahan.
Sinabi ng opisyal, itutuloy ng mga ito ang pagsisita sa mga driver at mailipat ang mga ito sa tamang paglalagay ng mga nakaparadang sasakyan.