LGU Mercedes ibinida ang mga ginagawang hakbang para maproteksyunan ang karapatan ng mga kabataan

CAMARINES NORTE – Ibinida ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes Camarines Norte ang mga ginagawang hakbang para itaguyod at maprotektahan ang karapatan ng mga kabataan.

Sa kaniyang Local State of Children’s report for 2022 kasabay ng isinagawang flag raising ceremony nitong Lunes, November 28, inisa- isa ni Mayor Alexander Pajarillo ang mga ginagawang hakbang ng LGU para itaguyod ang apat na pangunahing karapatan ng mga kabataan, ito ay ang right for survival, right for protection, right for development at right for participation.

Sa right of children to participate ay mayroon umanong apat na representative mula sa Mercedes Elementary School ang nagparticipate kada Lunes sa Flag Ceremony ngayong National Children’s Month kung saan ang mga ito ang nanguna sa pag- recite ng Panatang Makabayan.

Sa right for survival ay pinalawak umano ang delivery ng basic services nan aka- angkla sa education, benefits and opportunity sa mga kabataan.

Mini-maitain umano ng LGU ang 45 Child Development Centers na may 1, 572 enrollees edad 3- 4 years old ngayong taon.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Mino- monitor at sinu- supervise ng Municipal Social Welfare and Development (MSWDO) ang implementasyon ng Early Childhood Development program.

Sa pamamagitan umano nito ay natututukan ang kalusugan at education status ng mga pre- schooler na naka- enroll.

Nagbibigay rin umano ng incentive ang LGU sa Child Development Workers maliban pa sa buwanang honorarium na binibigay naman ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Pagdating naman sa right to survival ay tinutugunan umano ng LGU ang mataas na kaso ng pagkabansot o stunting sa mga edad 0- 59 months old katuwang ang iba pang partner agencies.

Mayroong feeding program na pinopondohan ang Department of Social Welfare and Development at taunang operation timbang plus na pinakikinabangan ng nasa 2, 625 na mga bata.

Nagbibigay rin ng dental services ang Municipal Health Office sa 3, 663 mga bata edad 0- 9 years old.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nasa 58 na mga bata naman  edad 0- 59 months old ang na- immunized at 4, 022  edad 5- 11 ay nabakunahan kontra COVID- 19.

Nasa 440 mga bata naman  edad 0- 17 ang nairehistro sa pamamagitan ng Local Civil Registrar, 50 naisyung Birth Certificate na libre at pagsasagawa ng mobile registration.

Tatlong bata naman na may kapansanan ang nabigyan ng wheelchair at food packs mula sa PSWDO.

Tinutugunan rin daw ng LGU ang mga batang biktima ng pang- aabuso at may mga intervention na ginagawa sa Children in Conflict with the law.

Sa bisa ng Republic Act 10661 ay ipinagdiriwang taon- taon ang National Children’s Month.

Sinasabi ng batas na ang pinaka mahalagang kayamanan ng isang bansa ay mga kabataan.

Isa ang Pilipinas sa signatory sa United Nation General Assembly para maitaguyod ang karapatan ng mga kabataan.