CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng double digit ng bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo o mula November 20- 26
Ayon sa Department of Health nasa 17 ang panibagong naitalang kaso na nagmula sa Daet na may pito, tatlo sa Labo, tig dalawa sa Vinzons at Mercedes habang tig- iisang kaso naman ang San Lorenzo Ruiz at Sta Elena.
Dahil dito umaabot na sa kabuuang 4, 490 ang naitalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan mula noong 2020.
Umakyat na rin sa 254 ang bilang ng mga nasawi o 5. 56 percent habang nasa 3, 978 o 88. 60 percent ang recoveries.
Nasa low risk classification naman ang Healthcare utilization rate sa probinsiya base sa input ng mga ospital sa DOH tracker.
Nakapaglaan ang Camarines Norte ng 132 Covid beds at 32 ang nagamit o 24. 2 percent utilization rate.
Wala namang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilators.
