Canoreco nagpapatulong na sa mga LGU kaugnay sa implementasyon ng Anti- Obstruction of Power Line Act

CAMARINES NORTE- Nagpapatulong na ang Camarines Norte Electric Cooperative sa mga Local Government Unit na maipatupad ang mga batas at ordinansa patungkol sa obstruction sa mga linya ng kuryente.

Kahapon sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Basud ay isa sa mga naka- agenda ang sulat ni General Manager Zandro Gestiada na humihiling sa konseho na tulungan ang Canoreco na maipatupad ang Anti Obstruction of Power Line Act.

Ayon sa sulat ni Gestiada patuloy umanong nagsasagawa ng massive clearing operation ang naturang kooperatiba ng kuryente para masiguro ang “service reliability.”

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kadalasan na ang rason umano ng power interruption sa kanilang franchise area ay ang mga sanga ng kahoy na malapit sa kanilang mga linya.

Sa ngayon ay mayroong mga umiiral na batas at ordinansa patungkol dito.

Ito nga ang Republic Act 11361 o Anti Obstruction of Power Line Act na may titulong “An Act ensuring the continuous and uninterrupted transmission and distribution of electricity and protection of the integrity and reliability of power lines and providing penalties for violations thereof at National Electrification Administration Summary ng naturang batas.

Ang Camarines Norte ay mayroong ipinasang Provincial  Ordinance noong 2017 patungkol sa pagpuputol, clearing and planting of trees sa ilalim ng existing secondary, primary at sub- transmission line ng Canoreco para sa proteksyon ng buhay at ari- arian ng mga taga Camarines Norte at maiwasan ang biglaang pagkawala ng kuryente.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Nais ni Gestiada na matulungan sila ng LGU para maipalaganap sa mga tao huwag magtanim ng mga puno sa loob ng required safety clearances ng overhead lines.

Mahalaga umano ito para maiwasan ang power tripping at higit s alahat ay proteksyon sa buhay at ari- arian.

Photo: Canoreco