LGU- Makato sa Aklan, naka-half-mast ang watawat dahil sa pagkamatay ng bagong elected na Vice Mayor

Naka-half mast ang watawat ng Pilipinas dahil sa pagkamatay ng dating Mayor at elected na Vice Mayor sa Municiaplidad ng Makato sa Aklan.

Base sa fb account ng kanyang anak, pinasalamatan nito ang pagiging mabuting ama sa kanila ni dating Mayor at ngayo’y Vice Mayor Abencio Torres dahil umano sa cardia arrest.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Nag pahayag din ng pakikipag dalamhati sa pamilya ng alkalde ang kasapi ng Makato Municipal Police Station.

Binigyang diin ng nasabing Municipal Police Station ang magandang alaala ng 74 anyos na alkalde sa pag serbisyo sa publiko mula taong 2013 hanggang 2022.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa ngayon, binabantayan pa ng publiko kung sino ang papalit sa kanyang pwesto bilang Vice Mayor ng Makato.(BNFM KALIBO)
#