Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Limay, Bataan sa mga mamamayan nito na kukuha ng vaccination certificate o vaxcert na suriing maigi ang impormasyong nakatala sa vaccination card na natanggap buhat ng mabakunahan kontra covid-19.
Ito ay para mairehistro sa link ng gobyerno at masiguro ang authenticity ng rekord sa bakuna.
Dahil dito, pinasisiguro na tama ang mga impormasyon kagaya ng spelling ng pangalan, edad, araw ng kapanganakan at kasarian na nakalagay sa vaccination card.
Samantala, kapag nairehistro na sa system ay maaari rin itong magamit ng mga mamamayan na nagnanais na mangibang bansa.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
