LGU Ligao magsasagawa ng dalawang araw na job fair, para sa-21st cityhood anniversary

LEGAZPI CITY – Magsasagawa ng job fair o job hiring ang lokal na pamahalaan ng Ligao ngayong darating na martes at myerkules bilang parte ng aktibidad sa kanilang 21st Cityhood Anniversary.

Ayon kay Ligao LGU Tourism Officer Ma. Gina Regilme Balingbing, ang pangunahing layunin ng nasabing aktibidad ay matulungan ang mga walang trabaho o di kaya’y mga naghahanap ng trabaho na residente ng nasabing lugar.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Dagdag pa nito, nasa 20 kompanya ang naimbitahan ng ahensya na magsasagawa ng job hiring para sa local employment at 6 recruitment agencies naman sa employment overseas.

Ang mga aplikanteng matatanggap ng mga recruitment agency ay ipapadala umano mismo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kaya naman nakakasiguro umano sila na ang lahat ng recruitment agency na kanilang naimbitahan ay lehitimo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Samantala, kahapon ay nagsawa ng mangrove planting ang LGU Ligao kung saan ito ang kanilang unang aktibidad kaugnay sa 21st Cityhood Anniversary.