LGU Guinobatan, ‘di sang-ayon sa desisyon ng ENRO at DENR kaugnay ng proseso ng rehabilitasyon sa perwisyo ng abusadong quarry operators

LEGAZPI CITY – Hindi sinang-ayunan ng lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay ang naging desisyon ng Environmental ang Natural Resources Office (ENRO) at ng Department of Natural Resources (DENR) -Mines and Geosciences Bureau (MGB) Bicol kaugnay sa planong proseso ng rehabilitasyon sa idinulot na perwisyo ng abusadong quarry operators sa Brgy. Muladbucad Pequeño.

Ayon kay Mayor Paul Chino Garcia, sa naging ebalwasyon, pinagpaplanuhan ng mga ahensya na ibalik lamang ang tinibag na parte ng bundok ngunit hindi ito ligtas sa dahil maituturing itong loose material.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Aniya, maaring mas makapagdulot ito ng kapahamakan dahil maaring anurin ang itatambak na lupa papunta sa mga kalapit na kabahayan tuwing may malakas ang buhos na ulan.

Dagdag pa niya, dapat ay hindi na lamang ito galawin hanggang walang konkretong solusyon at hanggang matiyak na walang mapapahamak.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ani Garcia, mas mabuti pang i-flatten na lamang ito at iderekta na ravine dahil mas ligtas pa ito.

Sa ngayon, pinatigil na ang quarry operation at plano ng LGU na ipa re-evaulate ang pagbibigay ng permit sa mga operator sa lugar dahil paulit-ulit at pabalik-balik lamang ang isyu.