LGU-Castilla namahagi ng libreng driving student permit application

SORSOGON CITY – Nasa 100 slots para sa libreng aplikasyon ng driving student permit ang ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Castilla para sa kanilang mga residenteng nais kumuha ng driver’s license.

Read More:  Bangsamoro Farmers back Murad Ebrahim for chief minister

Sa impormasyong nakalap ng Brigada News FM- Sorsogon, naging posible ang aktibidad matapos makipag-ugnayan ang LGU sa Glapps Driving Academy.

Sa pamamagitan nito ay nakapag-enroll sa libreng theoretical driving class at nagkaroon ng pagkakataon na makakuha ng student permit for driving ang mga aplikante.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Base sa proseso ng LTO, bago makapag-proseso ng kanyang Non- Professional Driver’s License kinakailangan muna ng aplikante ng student permit.