LGU Buhi, may pakiusap sa mga mag bibisita Iglesia

CAMARINES SUR- Pagpapanatili ng kalinisan sa Lake Buhi at iba pang dinarayong tourist destinations sa bayan ang pakiusap ng LGU sa mga darayo para sa Bisita Iglesia.

Maglalagay ng No Littering signages bilang paalala. Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Mark Nazarrea, Public Information Officer ng LGU Buhi na bago pa man ang mga paghahanda sa Semana Santa, napansin na nila ang pagdami sa mga nagkakalat na basura sa bayan lalo na sa mga pasyalan.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte
Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sapat naman ang mga trash bins at garbage bags na nakalagay sa mga kalsada kaya’t ang paglagay ng mga signages ang isa sa mga solusyon nila sa nasabing problema.