LGU at Provincial tourism sa Bicol, hindi pa lahat handang magbukas – DOT Bicol

LEGAZPI CITY — Binigyang-linaw ni Department of Tourism Bicol Regional Director Herbie Aguas na hindi lahat ng mga lokal na pamahalaan at provincial tourisms sa Bicol region ay nakahanda nang magbukas.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Aguas, inihayag niyang may mga provincial tourisms na nagdadalawang-isip pang magbukas katulad ng Bulusan Lake at Butanding sa Sorsogon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Tinatantiya ng mga establisyimento ang kanilang pagbubukas dahil mga taga ibang bansa ang mga market nila.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Umaasa rin ang opisyal na dudumugin ng mga turista ang rehiyon sakaling magbukas na ang international flights.

Dagdag pa nito, sa pag-iikot niya ay halos 80 hanggang 85 percent pa lamang ang nabubuksang turismo sa Bicol.