Bicol region, patuloy na nakakapagtala ng mas mataas na COVID-19 recoveries kaysa sa mga bagong kaso

BNFM BICOL— Patuloy na nakakapagtala ng mas mataas na bilang ng mga recoveries kaysa sa mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region.

Kahapon araw ng Biyernes, umabot lamang sa 64 ang mga naitalang bagong kaso ng sakit sa rehiyon habang umabot naman sa 256 ang mga bagong gumaling.

Sa mga naitalang bagong kaso, 42 ang mula sa Camarines Sur kung saan 16 nito ang nairehistro sa Naga City; anim sa Bombon; tag da-dalawang kaso ang Baao, Canaman, Gainza. Libmanan, Pasacao at Pili habang may tag-iisang kaso naman ang mga ayan ng Cabusao, Calabanga, Caramoan, Lupi, Minalabac, Ragay, Sipocot at Tigaon.

Read More:  Grade 12 student arrested with P1 million worth of shabu

Umabot naman sa siyam ang mga naitalang kaso sa Sorsogon kung saan apat ang mula sa Sorsogon City; dalawa sa Casiguran at Castilla at isa sa Gubat.

Ang Albay ay mayroong limang mga bagong kaso ng sakit kung saan tatlo nito ang mula sa Legazpi City at tag-isang kaso ang Daraga at Rapu-Rapu.

Limang kaso din ang mula sa probinsya ng Catanduanes kung saan dalawa ang mula sa Virac at  San Andres at isa sa bayan ng Baras.

Read More:  Retired CPSU professor makes demographic case for proposed City of Kabankalan College

Sa Camarines Norte, dalawa ang bagong kasong naidagdag mula sa bayan ng Sta. Elena habang zero new case naman ang Masbate.

Sa kabuuan, umaabot na sa 58,588 ang mga naitalang kaso ng   COVID-19 sa Bicol kung saan 7,663 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.

Sumampa na rin sa 48,830 ang mga nakarekober habang nasa 2,095 na ang bilang ng mga nasawi.###