Bibilhin ng National Food Authority o NFA sa halagang P22.00 kada kilo ang aning palay ng mga magsasaka sa bayan ng Pilar.
Ito ang kinumpirma ni Municipal Agriculturist Engr. Danilo Ocme Jr. sa panayam ng Brigada News FM.
Ayon ditto, ang nasabing hakbang ay batay sa marketing agreement sa pagitan ng LGU Pilar at NFA Regional Office V kung saan magbibigay ng P3.00 premium ang LGU na dagdag sa nakatakdang buying price ng ahensya na P19.00.
Layon umano nito na matulungan ang mga magsasaka sa bayan at mapa-angat ang kanilang kita at upang hindi na mahirapan pa ang mga palay farmer sa pagtransport ng kanilang mga palay ay sa mismong bayan na rin mamimili ang NFA, bilang requirement ay kailangan lamang na magpakita ng kanyang ID ang magsasaka na magpapatunay na siya ay residente ng nasabing bayan.
Paalala ni Ocmer, ang nasabing presyo ay para sa mga clean and dry palay lamang.
