Tinanghal ang Sorsogon City Division Office bilang over all champion for Elementary Level sa ginanap na 2023 Regional Festival of Talents TECHNOLYMPICS ng Department of Education (DepED) Bicol na ginanap sa Sunshine International School, Daraga Albay at nilahukan ng 13 mga Schools Division Offices.
Nasungkit nina Akyra Dollison at Precious Claire Recede mula sa Sorsogon Pilot Elementary School ang unang puwesto sa Fruit and Vegetable Carving habang nakuha naman ni Govardhan Das Belir nga kaparehong paaralan ang pangatlong puwesto sa Invitation Card Making using Microsoft Productivity Tools. Samantala, 2nd Runner-up din ang nasabing division sa Over-all result for Secondary level.
Nakuha nina Marc Andrei Jarabo at John Paul Legaspi mula sa Sorsogon National High School ang pangalawang puwesto sa Dressmaking, habang nakakuha naman nina Christian Deocareza at Mark Jade Dino mula sa Rawis Senior High School ang pangalawang puwesto sa Electrical Installation Maintenance.
Layunin ng Festival of Talents na makapagbigay ng isang plataporma para sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang mga natatanging kakayahan at pagyamanin ang talento at ipakita ang kahusayan accross various disciplines at nilahukan ng 13 mga Schools Division Offices (SDOs).
