LEGAZP CITY – Tiniyak ng COMELEC na tatapusin nito ang lahat ng disqualification cases at petitions na may kinalaman sa nakaraang eleksiyon ngayong taon.
Ito ang inihayag ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa Brigada News Fm Legazpi.
Ayon kay Laudiangco, kabilang sa mga tatapusing mga kaso at petisyon ay ang kinahaharap ngayong ng mag-asawang Albay Gov. Noel at Legazpi City Mayor Geraldine Rosal.
Dagdag pa niya, aabot lamang sa labimpitong mga kaso ng “vote-buying” ang isinampa ng COMELEC laban sa iba’t ibang mga kumandidato noong eleksyon.
Ang mga kasong isinampa umano sa poll body ay kasalukuyan naming dinidinig sa preliminary investigation.
Aminado itong mayroong mga nakabinbing “petition to cancel certificate of candidacy” at mga “petition for disqualification.” Sinisiguro umano ng COMELEC en banc na tapusin ang lahat ng mga nakabinbing kaso at petisyon bago matapos ang taon.