Legazpi CPS, nagsagawa ng awareness lecture sa mga opisyal ng brgy. sa lungsod

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Legazpi City Police Station (CPS) ng awareness lecture sa mga barangay officials, bpats, tanod, KKDAT mula sa Brgy. Bariis, sa lungsod ng Legazpi, kahapon, kung saan ginanap ito sa Function Hall ng nasabing lungsod.

Ito ay bilang bahagi ng pakikiisa ng nasabing himpilan sa pagdiriwang ng ika-dalawampu’t siyam (29th) na Police Community Relations Month Celebration kung saan ito ay may temang, “Ligtas Ka sa Bagong Pilipinas.”

Read More:  ₱15.6-million worth of shabu seized in Davao City buy-bust operation

Ayon sa Legazpi CPS, layunin umano ng grupo ng kapulisan na magbahagi ng dagdag kaalaman sa nasabing mga dumalo ukol sa mga tamang proseso ng paglutas ng anumang krimen o kaso sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon, kung saan naibahagi rin ang ilang kapulisan ng mga kadalasang kinakaharap nilang mga reklamo at kung paano ito lulutasin sa tamang paraan.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng mga talakayan ukol sa mga programa ng PNP particular na sa paglaban sa iligal na droga at ang kahalagahan ng malayang ugnayan ng barangay at kapulisan upang magkaroon ng tahimik na komunidad.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Bago matapos ang nasabing aktibidad ay nagkaroon ng open forum kung saan malayang nakapagtanong ang mga dumalo ng kanilang mga karanasan bilang isang opisyal ng barangay para maisangguni na rin kung tama ang kanilang ginawa.