LEGAZPI CITY – Gagawing prayoridad ang mga Persons With Disability (PWDs) sa lalawigan ng Albay. Ito ay base sa napag-usapan sa isinagawang pagpupulong kaugnay ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week (NDRW) ngayong buwan.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA) sa pakikipagtulungan sa Albay Provincial Person With Disability Affairs Office (APPDAO). Sa pagpupulong, inihayag ni Provincial Disability Affairs Officer (PDAO) Annecita Abion, na magkakaroon umano ng isang training para sa Disability Inclusive (DI) Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ngayong linggo.
Sinabi pa ng opisyal na kailangan umanong makilahok ang mga newly-elected officials, para rin matalakay ang Barangay DRRM plan at malaman kung ano-anong mga hakbang ang dapat na isagawa sa tuwing magkakaroon ng kalamidad sa lalawigan, at kung papano matutulungan at magiging prayoridad ang mga PWDs sa Albay.