LEGAZPI CITY – Naging maayos at tahimik ang isinagawang inventory at sealing ng mga balota sa Ibalong Conference Room (ICR) sa lunsod ng Legazpi kahapon.
Tiniyak ni PLt. Dennis Balla, Chief of Police ng Legazpi CPS, na maayos at walang aberyang mangyayari sa paglilipat ng mga balota patungo sa COMELEC central office sa Metro Manila.
Aniya, mayroong magbabantay at maghahatid ng balota sa nasabing lugar upang masigurong naihatid nang maayos ang mga balota at walang nangyarinsa mga personahe.
Umabot sa mahigit 30 katao mula sa Legazpi PNP ang nagbantay upang maihatid ang mga balota. Sinabi ng opisyal, ngayon araw ay inaasahan ding dumating ang 42 ballot boxes sa central office para sa nakatakdang pagbibilang ng mga balota.