Baragatan Festival, tuloy na sa buwan ng Hunyo sa Puerto Princesa

Tuloy na tuloy na ang Baragatan Festival sa buwan ng Hunyo ngayong taon, ayon kay Palawan Board Member Winston Arzaga.

Ayon sa lokal na mambabatas, nag-usap na sila ng mga proponente ng baragatan at napag-pasyahan na ituloy ito sa susunod na buwan.

Paliwanag sa kanya ni ginoong Sammy Magbanua, mahirap na umanong ihinto o ilipat ang petsa ng selebrasyon tulad sana ng nais ng bokal na ganapin ito sa buwan ng Disyembre.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Sayang umano ang preparasyon sa festival dahil “ready” na itong ituloy ng proponent.

Read More:  Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City

Gayuman, sinang-ayonan ito ni BM Arzaga pero positibo siya na sa susunod na mga taon ay matutuloy na sa mga munisipyo ang Baragatan Festival para mabigyan ng pagkakataong kumita ang mga Lokal na Pamahalaan.