Legal aid services, isinagawa ng DOJ para sa mga PDLs

Pinangunahan ng Department of Justice (DOJ) ang Katarungan caravan para magbigay ng legal aid sa mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Bureau of Corrections.

Ayon sa BuCor, higit-kumulang 40 mga abogado mula sa Public Attorney’s Office, mga pribadong abogado, at paralegals ang nakiisa sa DOJ Action Center ang nakiisa at nag-offer ng mga legal services sa mga kwalipikadong PDLs.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ilan sa mga serbisyong ito ay ang mga requests para sa Good Conduct Time Allowance (GCTA), parole, paghahanda sa indorsements, at iba pa.

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang tanging paraan na maka-access ng justice ang mga PDLs ay sa pamamagitan ng legal aid.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kailangan aniyang maintindihan at matugunan ang ligal na pangangailangan ng mga ito.

Aniya, ‘fundamental right’ ito na dapat ibigay sa mga disadvantaged at underprivileged na mga miyembro ng lipunan.