Higit P9B na pondo para sa operasyon ng BuCor, aprubado na ng DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondong aabot sa P9.2B para 2025 NEP para sa BuCor.

Mas mataas ito kaysa sa P7.5 billion sa 2024 budget.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ayon kay Director GEN. Gregorio Pio Catapang Jr. gagamitin nila ang pondo sa pagdaragdag ng mga tao gaya ng Correctional Officer at Health Care; at pagsasanay ng mga personel at support staff.

Bukod doon, gagamitin din ito para sa pasahod sa ilang mga personnel, at pagbili ng kaukulang short fire arms.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Dagdag pa ni Catapang, ilalaan ang inaprubahang pondo sa maintenance ng mga pangangailangan ng mahigit 54,000 PDLs, at iba pang operasyon ng BuCor.