Lebron isinalba ang Lakers para tuldukan ang 5-game losing streak

Nagpasiklab si NBA star Lebron James para tuldukan ang 5-game losing streak ng Los Angeles Lakers.

Tinalo ng Lakers ang Houston Rockets sa score na 132-123.

Apat na mga manlalaro ng LA ang umiskor ng mahigit 20 points sa pangunguna ni James na nagtala ng triple-double performance, 32 points, 11 assists, 11 rebounds at 2 blocks.

Read More:  Alex Eala dubbed “Female Manny Pacquiao” as Philippine Tennis star gains global recognition

Humakot si Malik Monk ng 25 points, habang sina veteran Carmelo Anthony at Russell Westbrook ay nag-ambag ng tig-24 puntos.

Read More:  Alex Eala dubbed “Female Manny Pacquiao” as Philippine Tennis star gains global recognition

Sa panig ng mas mga batang Rockets, pinangunahan ito ni Jalen Green sa kanyang 24-point performance.

Umakyat sa 17-18 win-loss card ang Lakers habang ang Houston ay nanatili sa laylayan sa West sa kanilang 10-25 na kartada.